Pinag-papaliwanag ni Quezon City 2nd District Rep. Winnie Castelo ang Department of Foreign Affairs kaugnay sa dumarami umanong reklamo sa sistema ng online passport appointment.
Ayon kay Castelo, hihilingin niya sa kapulungan na magpatawag ng pagdinig hinggil sa usapin depende sa magiging paliwanag ng DFA.
Hindi anya dapat gawing pahirapan ang passport renewal para sa mga O.F.W. lalo ang mga nasa bansa para magbakasyon at kailangang bumalik sa mga bansang kanilang pinag-ta-trabahuhan.
Iginiit ni Castelo na dapat magkaroon ng “special link” ang mga OFW sa pagkuha ng pasaporte at hindi na maihalo sa ibang aplikante.
Patuloy na inuulan ng batikos ang kagawaran dahil sa pahirapang makakuha ng “slot” sa online passport appointment partikular ang mga bagong aplikante at magpapa-renew.