Naniniwala ang Palasyo na ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong naghahain ng certificate of candidacy sa pagka-Pangulo, ay simbolo na buhay ang demokrasya sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Sonny Coloma, wala sa kamay ng Palasyo ang paglilimita sa bilang ng mga naghahain ng kanilang COC.
Sinabi din ni Coloma na bahala na ang COMELEC na magsala sa mga isinusumiteng COC at mayroon din namang proseso na dapat sundin dito.
By Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23)