Dumarami umano ang bilang ng mga batang nagkaka-bulate sa tiyan sa Bicol Region.
Ipinabatid ng Department of Health (DOH) na anim (6) sa bawat sampung (10) bata o 67% ng mga batang may edad isa (1) hanggang 18 ang pinaka-apektado ng intestinal parasitic worm infection.
Ayon kay Francia Genorga, coordinator ng DOH Soil Transmitted Helminthiasis (STH), Bicol ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng nasabing infection base na rin sa kanilang pag-aaral mula 2013 hanggang 2015.
Kabilang naman sa mga rehiyong nakapagtala ng mataas na kaso ng intestinal worms ang Central Visayas – 55%, Mimaropa – 40%, ARMM – 37%, Central Luzon – 32%, Zamboanga Peninsula – 27%, Caraga – 22% at NCR – 21%.
Ang Cordillera Autonomous Region ang mayroong pinakamababang kaso ng bulate sa tyan na nasa 7% lang.
Sinabi ni Genorga na nakaka-alarma ang kondisyon ito ng mga bata sa rehiyon.