Tinatayang 19 ng turista patungong Boracay ang naaresto matapos matuklasang peke ang ipinakita nitong resulta ng COVID-19 test patungong Boracay na ikinabahala ni Aklan Provincial Administrator Selwyn Ibarreta.
Sa tingin ni Ibarreta at ng ilang lokal na opisyal, posibleng may sindikato sa likod ng pamemekeng ito na karaniwan ng resulta ay mula sa malalaking ospital sa Metro Manila.
Paglilinaw naman ni Ibarreta na hindi niya pinaghihinalaan ang mga ospital, bagkus ay maari umano kasing ginagamit ang resulta mula dito dahil sa madali itong gayahin.
Pagtitiyak ni Ibarreta, na bine-verify nila sa laboratory ang lahat ng mga pinapasa sa kanilang resulta.—sa panulat ni Agustina Nolasco