Nagbabala ang National Bureau of Investigation (NBI) ukol sa dumaraming kaso ng delivery scam sa bansa.
Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo karamihan sa nabibiktima ng scam ay mga delivery rider.
Nais ng mga scammer aniya na ito na mang inis o makaperwisyo lamang sa pamamagitan ng pagka-cancel.
Babala naman ni Lorenzo sa mga taong sangkot sa fake booking o fake orders, huwag nang dumagdag sa mga pagpapahirap sa mga rider.
Mahaharap aniya sa anim hanggang 12 taong pagkakakulong ang mapapatunayang sangkot sa identity theft.