Ikinaalarma ng mga otoridad ang dumaraming bilang ng kaso ng dengue sa SOCCSKSARGEN ngayong taon.
Batay sa ulat ng Department of Health (DOH)-12 Regional Epidemiology and Surveillance Unit, halos 4,000 na ang bilang ng naitalang kaso ng dengue sa naturang lugar sa nakalipas na tatlong buwan at 13 sa mga ito ang nasawi.
Lubhang nakakaalarma ito kumpara sa apat na bilang na naitalang nasawi noong kaparehong buwan nang nakaraang taon.
Pinakamarami naman sa mga naitalang kaso ay nagmula sa North Cotabato na may mahigit 1,300 kaso.
Samantala, inatasan na ng regional director ng DOH-12 ang mga front liner sa kanilang serbisyo na bigyang-pansin ang naturang kaso.