Nababahala ang embahada ng Pilipinas sa Italya dahil sa dumaraming kaso ng mga unemployed o walang trabahong young migrant Pinoy sa Italya.
Aminado si Philippine Ambassador to Italy Domingo Nolasco na ang language barrier o kawalan ng kakayahan ng mga batang Pinoy na magsalita ng wikang Italian ang dahilan kung bakit nahihirapang maghanap ng trabaho ang mga ito sa naturang bansa.
Sinabi ni Nolasco na dumarami kasi ang mga kabataang Pinoy sa Italya dahil doon na nagma-migrate ang magulang ng mga ito matapos makahanap ng trabaho.
Batay sa pinakahuli ng embahada ng Pilipinas sa Italya, pumapalo lamang sa halos 200,000 Pinoy ang legal na nakapagtatrabaho sa Italya.
By Ralph Obina | Allan Francisco