Nanawagan ang grupo ng mga kababaihan sa pamahalaan na aksyunan ang dumaraming kaso ng Violence Against Women and Children o VAWC.
Ang pahayag ay ginawa ng Gabriela kasabay ng pagdiriwang ng kanilang National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women and Children kahapon.
Nagtipon sa Bonifacio Shrine ang mga miyembro ng Gabriela kung saan tinuruan ang mga kababaihan ng self-defense.
Base sa mga datos, isang babae o bata ang biktima ng pananakit bawat 16 minuto.
Kaugnay nito, sinabi ni Gabriela Secretary Joms Salvador na sa ilalim ng Aquino Administration ay nakapagtala ng pinakaramaraming kaso ng VAWC.
Mula sa 9,974 na kaso noong 2010, umakyat ito sa 31,937 noong nakalipas na taon.
By Meann Tanbio