Nagpapasalamat ang transport group na Dumper Philippines Taxi Drivers Association sa LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board dahil epektibo na ngayong Lunes ang P40.00 flagdown rate sa taxi sa buong bansa.
Sa panayam ng programang “Ratsada Balita”, sinabi ni Fermin Octobre, National President ng grupo na ikinalulugod nila na pinaboran sila ng LTFRB sa inihain nilang petisyon kung saan P40.00 na muli ang flagdown rate sa taxi sa unang 500 metro ng biyahe.
“Ito ay ikinasayahan ng aming mga kasamahan buong bansa ito na order ito ay aming ipinapa salamat departemante na dinig talaga yung aming order of motion na maibalik na sa korte yung plug down dahil nga sa ating naramdaman yung pag bulusok na naman ng presyo ng gasolina at diesel so ma-traffic pati so ito yung dasal naming na ma-approve, ito na nga binigay sa amin , ito yung advance na regalo sa amin sa Valentines”
Kasabay nito, sinabi ni Octobre na plano nilang maghain ng petisyon para itaas ang singil sa waiting time o ang standby charge kapag ang taxi ay paghihintayin ng pasahero o ‘di kaya ay naiipit sa traffic.
“Actually, wala pang sinabi sa law kasi mahirap din kasi na pabalik palang sa 40 tapos eh mabigla yung mga pasahero, ano din kami kapakanan parin ng pasahero ang iniisip namin aanhin naming ang malaking pamasahe kung wala ng sasakay sa amin magkakaroon pa kami ng kautos nito ang amin dito sa NCR waiting time lang talaga kami gusto mag increase”
By Meann Tanbio | Ratsada Balita (Interview)