Ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang anim na ektaryang open dumpsite sa Barangay Sahud-Ulan sa Tanza, Cavite.
Ito’y ayon sa DENR ay dahil sa paglabag ng nasabing dumpsite sa ecological solid waste management act of 2000.
Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, mayroong tatlong metrong taas o 180,000 metriko kubiko ang naturang dumpsite na may halo-halong solid waste materials at walang kaukulang permiso mula sa DENR.
Kabilang sa mga tambak ng basura na nakita sa operasyon ay nagmula sa industrial parks, malls, supermarkets, food chains, restaurants at food product manufacturers.
Kinumpiska rin ang dalawang dump trucks at isang backhoe na naabutan sa lugar na itinurn-over sa DENR-PENRO sa Cavite.