Papalo sa mahigit 100 ang idinulog sa unang araw ng paglunsad ng Department of Education o DEPED ng Oplan Balik-Eskwela Public Assistance and Command Center (OBE-PACC).
Base sa report na inilabas ng Oplan Balik-Eskwela, sa 24% ng mga idinudulog ay ukol sa enrollment, gaya ng proseso ng online enrollment, paglilipat ng estudyante mula private sa public schools.
Maliban dito, marami ring katanungan ang natatanggap nila tungkol sa school policy at kung paano magooperate ang mga paaralan.
Isa ang Calabarzon region at National Capital Region ang may pinakamaraming concerns na naiulat.
Samantala, bukas ang 2021 Oplan Balik Eskwela o OBE mula sa Central Office, hanggang sa mga regional at division offices hanggang sa Setyembre 17.