Wala umanong naging malaking epekto sa operasyon ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ang naranasang technical glitch ng kanilang mga depositor at customer.
Nito lamang December 30 hanggang 31 nang ma- duplicate ang ilang atm, cash accept machine deposits at e-commerce debit transactions ng BPI pero agad din itong naresolba ng bangko.
Humingi na ng paumanhin ang BPI sa kanilang mga depositor at customer kasabay ng pasasalamat sa pasensya at kanilang pag-unawa.
Aminado si BPI President at CEO Jose Teodoro Limcaoco na walang perpektong sistema subalit dahil sa nangyari ay kanilang aayusin at pag-iigihin ang serbisyo sa customers.
Sa ngayon anya ay balik na sa normal ang operasyon ng kanilang web at mobile app platforms.
Ang BPI, ang ikatlong pinaka-malaking bangko sa bansa.