Kinastigo ni Congressman Ruffy Biazon si Health Secretary Francisco Duque III matapos isnabin ang pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development.
Ang pagdinig ay kaugnay sa paghahanda ng ahensya at local government units sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Duque absent sa nCoV hearing ng House Metro Manila Dev. Committee; inatasan siya ng Body na dumalo sa hearing —Biazon | via @JILLRESONTOC https://t.co/5fQr8bmkMm
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 5, 2020
Sinabi ni Biazon na dapat dumalo si Duque sa pagdinig ng Kamara dahil maraming mga tanong ang mga kongresista na tanging si Duque lamang, at hindi ang kaniyang mga kinatawan, ang makasasagot.
Hindi aniya makatutulong ang pang-iisnab ng kalihim sa house hearing para mapataas ang tiwala ng publiko na ginagawa ng gobyerno ang lahat kontra 2019 nCoV-ARD.
Ayon pa kay Biazon, narinig niyang tutungo sa Fort Magsaysay si Duque para inspeksyunin ang containment facility para sa mga posibleng carrier ng virus subalit dapat aniyang batid ng kalihim ang kaniyang priorities.
Dahil ditto, pinayuhan ni Biazon si Duque na ayusin ang kaniyang priorities.