May prosesong sinusunod bago suspendihin ang isang opisyal ng gobyerno.
Sagot ito ni Health Secretary Francisco Duque III sa pahayag ni Senador Grace Poe na dapat suspendihin ang kalihim dahil sa deficiencies sa paggamit ng pondo para sa COVID-19 response.
Ayon kay Duque, hindi niya batid kung saan nanggagaling si Poe sa naging pahayag nito laban sa kanya dahil mayruong proseso tulad ng imbestigasyon at kung may prima facie o may basehan ay sampahan ng kaso.
Hindi aniya basta basta nagsususpindi ng tao o opisyal ng gobyerno at alam nya ang proseso lalo pat naging chairman siya ng civil service commission.