Dinepensahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang kanyang kagawaran sa pagpayag nito sa procurement service ng Department of Budget and Management o PS-DBM na bumili ng umano’y overpriced na PPE nitong nakaraang taon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Duque na nagkaubusan ng face mask at iba pang medical supplies sa bansa matapos na mapunta sa mga evacuees at health workers sa gitna ng pagputok ng bulkang Taal noong Enero 2020.
Natanong naman ni Senate President Pro Tempore Senador Ralph Recto sa kung sinong ahensya ang dapat na managot sa umano’y overpriced na PPE na binili ng PS-DBM.
Ayon kay Recto, dapat ang DOH na ang nag bid sa mga ito dahil alam naman nila kung ano ang quality standards ng mga ito.
Sagot naman ni Duque na mahina ang procurement capacity ng DOH dahil nasa isolation at quarantine ang kanilang mga empleyado nang mga panahong iyon.—sa panulat ni Rex Espiritu