Dismayado si Health Secretary Francisco Duque, III sa tila agarang pagbasura ng kongreso sa paliwanag ng ahensya hinggil sa nabiting risk allowance at benepisyo ng medical workers.
Ayon kay Duque, sana ay maipaliwanag na sa kongreso sa imbestigasyon nito ang hinggil sa mga naturang benepisyo ng medical workers sa gitna na rin ng patuloy na paglaban sa COVID-19 partikular sa pinangangambahang Delta variant ng Coronavirus.
Binigyang diin ni Duque na dokumentado ang lahat ng mga kinukuwestyong allowances ng medical workers at ang pondo para rito ay hindi naman nakatengga lamang sa DOH.
Muling ipinabatid ni Duque na ang trabaho ng DOH Regional Offices na i-download ang mga pondo sa mga ospital kaya’t ang mga pinuno nito ang siyang magbabayad sa kanilang medical frontliners.