Binigyang – diin ni Health Secretary Enrique Duque III na sinunod nina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Health Secretary Janet Garin ang mga guidelines ng World Health Organization (WHO) sa paggamit ng dengvaxia.
Ayon kay Duque, ito ang kanilang nakita batay sa feedback at documentary evidence.
Nakasaad sa ilalim ng guidelines ng WHO, maari lamang ipagamit ang dengvaxia sa mga komunidad kung saan nakapagtala ng dengue sa 70% ng populasyon nito; pagturok sa mga nasa edad na 9 hanggang 45 taong gulang, at pagbibigay ng tatlong (3) shots ng bakuna.
Gayunman, hinimok pa rin ni Duque sina Aquino at Garin na dumalo sa isasagawang imbestigasyon ng Kamara sa Miyerkules, Disyembre 13, upang linisin ang kanilang mga pangalan sa isyu.
Una dito, nilinaw ng WHO na kailanman ay hindi nila inirekomenda ang kontrobersyal na anti – dengue vaccine na dengvaxia para sa mga programang bakuna nito.
Batay sa inilabas na position paper ng WHO noong Hulyo ng nakalipas na taon, hindi kabilang ang dengvaxia sa kanilang inirekumendang bakuna at hindi din nila ito inirekumenda sa mga bansa para isama sa kanilang immunization programs.