Hindi ipinapayo ni Health Secretary Francisco Duque III ang paggamit ng pinaghalong magkaibang brand ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine sa isang indibiduwal.
Wala pa kasi aniyang patunay na epektibo ang naturang gawain.
Binigyan-diin din ng kalihim na sakali mang makaranas ng adverse event matapos maturukan ng magkaibang bakuna ang isang indibiduwal ay mahihirapang matukoy kung aling brand ng bakuna ang nadulot ng side effect.
Magugunitang ikinukunsidera ng mga vaccine experts sa Pilipinas ang posibilidad ng paghahalo ng magkaibang brand ng COVID-19 vaccine dahil sa limitadong suplay ng bakuna.