Hindi pinagalitan ng Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III matapos sa laban o bawi nitong pahayag sa usapin ng flattening of the curve ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque tinawagan siya ni Duque para ipaliwanag na mali ang salitang ginamit nito sa kaniyang pahayag sa usapin.
Nag-sorry naman aniya kaagad si Duque na ang ibig sabihin ay talagang kumonti ang kaso matapos pairalin ang enhanced community quarantine at MECQ o modified ECQ.