Kailangan pa ng mas malalim na pag-aaral bago payagang turukan ng COVID-19 vaccine ng Pfizer ang mga edad 12 hanggang 15.
Ito ang nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III na Duque, isang araw matapos amyendahan ng food and drug administration ang Emergency Use Authorization ng Pfizer upang isama ang nasabing age group.
Aminado ang kalihim na hindi basta-basta ang pagpapasya na bakunahan ang mga bata.
Kasi ang guardian at saka ang magulang kailangan magbigay sila ng pahintulot, pag-aaralan pa iyan ng Pediatric Society of the Philippines at saka Pediatric Infectious Disease of the Philippines. Hindi nangangahulugan na bibigyan na natin dahil wala nga sila priority sa ngayon, mag-aantay pa hanggang sa maging sapat ang bakuna. Kakain pa yan ng mahaba-habang panahon ‘yan,″ pahayag ni DOH Sec. Francisco Duque III.
Sa ngayon anya ay prayoridad pa ring bakunahan ang mga senior citizen at may commorbidities.
Kulang pa ang bakuna natin e’ so kailangan nating unahin ang mga priority groups A,A2,A3, lalo na yung mga matatanda kasi sila yung may pinakamalaking bilang na pinanggalingan ng mga pumapanaw sila dapat ang mabigyan ng proteksyon,″ ani Duque sa panayam ng DWIZ. —sa panulat ni Drew Nacino