Binigyang diin ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi dapat itigil ang pagroll out ng bakunang Astrazeneca sa bansa.
Ayon kay Duque, na wala silang nakikitang anumang ebidensya na naging dahilan ng pamumuo ng dugo o yung embolism ay dahil sa bakuna.
Kasunod nito, sinabi ni Duque na tuloy pa rin ang isinasagawang pagbabakuna dahil ito lamang ang makakatulong upang maiwasan ang paglaganap ng virus sa bansa.
Samantala, target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 milyong Pilipino hanggang katapusan ng taon upang maabot ang herd immunity laban sa virus.
Gayunman, sinabi ni Duque na patuloy pa rin ang isinasagawang pagiimbestiga hinggil sa isyu ng bakunang Astrazeneca.— sa panulat ni Rashid Locsin