Inatasan muli ng Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque, III na bayaran ang allowances at mga benepisyo ng medical frontliners.
Sa gitna na rin ito ng bantang mass protest ng ilang grupo ng health workers kapag hindi pa naibigay ang kanilang mga benepisyo partikular ang special risk allowance.
Sinabi ng Pangulo na kailangang bayaran ang mga health workers lalo na’t mayroon namang pera para rito.
Pinakilos din ng Pangulo si Duque para bayaran ang mga vaccinator na nag volunteer sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.