Ipinag-utos ni Health Secretary Francisco Duque III sa kanyang ahensya na sila na mismo ang kumuha ng emergency use application (EUA) sa mga Sinopharm vaccine mula China para hindi na ito ibalik pa.
Ayon kay Duque, ito lamang ang kailangan para payagan ang naturang brand ng bakuna para maisali sa vaccination program ng bansa.
Mababatid naman na inaprubahan na ng World Health Organization (WHO) ang Sinopharm vaccine para sa emergency use nito na sa ngayon ay kauna-unahang bakuna hindi gawa ng Western countries na sinuportahan ng WHO.
Nauna rito, tinurukan ng Sinopharm vaccine kontra COVID-19 sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na umani naman ng batikos mula sa publiko.