Iniutos ni Health Secretary Francisco Duque III na magsagawa ng mas marami pang pagsusuri sa umanoy kauna-unahang vape associated lung injury sa bansa.
Ayon sa kalihim, sa ngayon ay probable case pa lamang ang naturang insidente at hindi pa itinuturing na absolute case.
Inatasan na ni Duque ang Research Institute for Tropical Medicine na makipag ugnayan sa ospital at doktor na nangasiwa ng kaso para makakuha ng mga specimen na gagamitin sa mga isasagawang laboratory tests.
Aniya, titignang mabuti kung ang vape nga ang dahilan ng naturang injury at kailangan ding masiguro na hindi viral o bacterial infection ang tunay na sanhi.
Dagdag pa ni Duque, oras na makita ang resulta tsaka pa lamang nila masasabi kung isa itong confirmed case o hindi.
Inaasahan ng ahensya na makukuha nila ang resulta ng mga pagsusuri 2 linggo matapos makuha ang mga kinakailangang specimen.