Natanggap na ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang una nitong dose ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ngayong Biyernes, ika-23 ng Abril.
Binakunahan ang kalihim, na isang senior citizen, ng CoronaVac vaccine na gawa ng Chinese manufacturer na Sinovac.
Kasunod na rin ito nang pag-apruba ng Food and Drug Administration na payagan nang magamit ang naturang bakuna sa mga edad 60 pataas sa gitna na rin ng kakulangan ng suplay ng AstraZeneca vaccine.
Hinimok naman ni Duque ang publiko na magpabakuna kontra COVID-19, at muling binigyang-diin na ligtas at epektibo ang mga bakuna.