Umapela si Health Secretary Francisco Duque sa mga health worker na huwag ituloy ang planong malawakang protesta dahil sa hindi pa rin naibibigay na mga benepisyo.
Ayon kay Duque, mayroong obligasyon ang mga health worker na pangalagaan ang mga pasyente na hindi naman basta maaaring iwanan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Maaari naman anyang pag-usapan ang mga benepisyo at kompensasyon ng mga healthcare worker partikular ang kanilang Special Risk Allowance o SRA.
Tiniyak ng kalihim na titingnan na nila kung maaaring kunin ang savings ng kagawaran upang maibigay ang SRA sa mga health worker.—sa panulat ni Drew Nacino