Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga lokal na pamahalaan na iprayoridad sa pagbabakuna ang mga nasa A4 categories o economic frontliners.
Sa ulat sa bayan ng pangulo kagabi, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque (III) na unahing mabakunahan ang mga nasa A4 categories na may edad 40 hanggang 59-taong gulang.
Bukod dito, sinabi rin ni Duque na limitado ang mga bakuna na dumadating sa bansa.
Hanggat sa maaari at kakayanin at dahil limitado pa rin po ang bakunang ating natatanggap, nananawagan po tayo sa ating mga local chief executives na bigyang prayoridad sa A4 ‘yon pong may edad na 40 years of age to 59 years of age,” ani Duque.
Bukod dito, patuloy ang pakiusap ni Duque sa mga nasa priority groups na magpabakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) para sa kaligtasan ng bawat isa.