Hinikayat ni Health Undersecretary Francisco Duque, III ang publiko na magsumbong sa mga awtoridad sakaling may alam na gumagamit ng booster shots para sa COVID-19.
Ayon kay Duque, labag sa polisiya ng gobyerno ang mag-take ng booster shots ng wala pang rekomendasyon ang vaccine expert panel ng bansa ukol dito.
Sa halip aniya ang rekomendasyon ay pabilisin ang pagbabakuna at tiyaking nabakunahan na ang lahat ng health workers, senior citizens at lahat ng mga may co-morbities.
Dagdag pa ni Duque, bagama’t may mga pribadong sektor at LGU na pinayagang makabili ng kanilang bakuna, mayroon pa ring polisiya na binuo ng gobyerno ang nakakasakop sa kanila.