Dumepensa si Health Secretary Francisco Duque III sa pagkakasama niya sa mga sinampahan ng panibagong kaso kaugnay ng kontrobersiyal na bakuna kontra dengue na dengvaxia.
Ayon kay Duque, walang basehan ang naturang reklamo na katulad din aniya ng inihain laban sa kanya noong 2018 at ibinasura na ng Department Of Justice.
Iginiit ni Duque, hindi niya alam kung bakit pilit siyang isinasama sa reklamo gayung isinagawa ang mass vaccination ng dengavaxia sa nakaraang administrasyon.
habang sa ilalim rin ng kanya pamumuno sa DOH ay naitigil na ang nabanggit na programa para sa pagbabakuna.
Hindi ako kasama diyan, pinipilit lang ni taong Acosta na isama ako, pero wala naman talagang batayan, dahil wala naman ako doon, di naman ako kasama sa nagdesisyon, alam mo 2015 pa yan, alam naman ninyo panahon pa yan noong nakaraang adminstrasyon di naman ako kasama doon, pumasok lang ako sa DOH noong 2017, hindi ko talaga naiintindihan, bakit ganoon e.Hindi ba nila naiintindihan yung kasabihan na thou shalt not bear false witness against thy neighbor?″,pahayag ni Duque.