Pabor si Health Secretary Franciso Duque III na palawigin pa ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) Plus Bubble.
Ayon kay Duque, kailangan pang ipagpatuloy ng isa o dalawang linggo ang pagpapatupad ng MECQ upang mapababa pa ang bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nananatili pa rin kasi aniyang nasa critical level ang ICU (intensive care unit) ng mga ospital sa iba pang lungsod sa Metro Manila.
Samantala, sinabi naman ng kalihim na nakatakdang magpulong ang Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong Lunes, ika-26 ng Abril, upang pag-usapan ang magiging quarantine classification para sa buwan ng Mayo.
Magugunitang isinailalim sa MECQ ang NCR Plus Bubble mula ika-15 hanggang sa katapusan ng Abril.