Pinagbibitiw sa pwesto si Health Secretary Francisco Duque III ng isang mambabatas matapos masilip ng COA ang kakulangan ng DOH sa pamamahala ng COVID funds nito.
Iginiit ni Bayan Muna Party-List representative Eufemia Cullamat na dapat ay bumaba na sa kaniyang tungkulin si Duque dahil sa lantarang kapabayaan at korapsyon na nagaganap sa DOH sa gitna ng pandemya.
Sinabi pa ni Eufemia, sa halip na sa pagtugon sa pandemya at paggugol sa bakuna at pagsasaayos ng mga pasilidad sa ospital napupunta ang pera ng taumbayan. Sa korapsyon at pamamasista nauubos ang pondo.
Ipinunto pa ni Eufemia ang napakaraming healthcare workers ang mababa ang natatanggap na sahod o di kaya ay naaantalang hazard pay ngayong sila ang higit na pagod sa kakatrabaho ngayong COVID-19 pandemic.