Pinasasama ni Health Secretary Francisco Duque III ang Oman at UAE sa mga bansang may travel restrictions matapos maitala ang dalawang kaso ng COVID-19 variant mula sa India.
Sinabi ni Duque na naipaabot na niya sa office of the executive secretary ang nasabing rekomendasyon para mapigil ang mga pasahero mula sa oman at uae na makapasok sa bansa sa loob ng dalawang linggo.
Inaasahang magpupulong ang IATF para tutukan ang posibleng extension at expansion ng ban ng mga pasahero mula sa India, Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka na magtatapos ngayong araw na ito.
Kapag naaprubahan ang kanyang rekomendasyon sinabi ni Duque na bibigyan nila ng isang araw na
Tsansa ang mga nakapag byahe na at paparating na sa bansa mula sa Oman at UAE.