Nanawagan si Health Secretary Francisco Duque III sa mga mambabatas na itigil na ang ginagawang pagbanat sa kanya dahil sa isyu ng PhilHealth at sa halip ay ituon na lamang ang pansin sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19 pandemic.
Ito ang inihayag ni Duque makaraang kontrahin mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga paratang sa kalihim.
Mababatid na nitong nakaraang pagharap ng Pangulo sa publiko, sinabi nito na marami na ang nagsasabing sibakin na si Duque, pero tinanggihan ito ng Pangulo dahil masipag at wala aniya siyang nakikitang masamang ginawa si Duque sa tungkulin nito bilang Chairman ng PhillHealth.
Batay kasi sa inilabas ng report ng senate committee of the whole, sangkot si duque sa anomalya pagpapatupad ng irm o interim reimbursement mechanism.
Kasunod nito, iginiit ni Duque, na naging abala siya sa pagtugon ng bansa kontra COVID-19, kaya’t hindi aniya nito nalaman ang mga iregularidad sa ahensya.