Pinalagan ni Health secretary Francisco Duque III ang panibagong asunto sa kaniya ng Public Attorney’s Office.
Sinabi ni Duque na malinaw na harassment ang inihaing reklamo laban sa kaniya ng PAO sa Office of the Ombudsman.
Ayon kay Duque, nabasura na ang tatlong reklamong isinampa sa kaniya ng PAO na pawang may kaugnayan lahat sa dengvaxia issue.
Inatasan na aniya niya ang kaniyang abogado na magtungo sa Ombudsman para kumuha ng kopya ng reklamo ng PAO bago gumawa ng anumang legal na aksyon.
Gayunman, tiniyak ni Duque na hindi makaka-apekto sa kaniyang tungkulin bilang kalihim ng DOH ang nasabing kaso at mahigpit siyang nakatutok sa usapin ng Universal Health Care.
Una nang kinasuhan ng PAO si Duque ng plunder at graft na may kaugnayan umano’y sa conflict of interest para sa upa ng PhilHealth sa lupa na pagmamay-ari ng pamilya Duque.