Pagkakaisa ang panawagan ni Health Secretary Francisco Duque III sa mga senador na nanawagan na magbitiw na sya sa puwesto.
Binigyang diin ni Duque na hindi madaling mapatumba ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) na siyang tunay na kaaway ng bansa kaya’t kailangang nagtutulungan ang sambayanan.
Ayon kay Duque, hindi nya maintindihan ang naging basehan ng mga senador sa paghusga sa kanyang performance bilang kalihim ng Department of Health (DOH).
Ginagawa anya nya ang lahat ng kanyang magagawa at kung siya man ay nagkukulang ay humihingi sya ng paumanhin at pang unawa dahil mahirap na kalaban ang isang bagong bagong virus na katulad ng COVID-19.
Una rito, 14 na senador ang lumagda sa resolusyon na nananawagan na magbitiw na sa tungkulin si Duque.