Inakusahan ni Health Secretary Francisco Duque ang manufacturer ng dengvaxia na Sanofi Pasteur ng ‘mental dishonesty’ o pagsisinungaling.
Sa pagdinig ng senado kaugnay sa dengvaxia vaccine, sinabi ni Duque na hindi naging matapat ang Sanofi Pasteur sa simula pa lamang ng paglalahad ng mga posibleng panganib na maidudulot ng dengvaxia sa mga naturukang bata.
Iginiit ni Duque, kumambiyo ang Sanofi sa klase ng dengue na posibleng tumama sa mga nabakunahan ng dengvaxia na walang history ng sakit mula sa una’y severe at sa huli naging Grade 1 at 2 na sintomas na lamang.
Binigyang – diin ni Duque, hindi buo ang ipinalalabas na deltalye ng Sanofi.
Nag – disclosed sila na magkakaroon pala ng severe dengue infection.
Remember, that was November 29 press released, and which I accused them… well… that is a ‘mental dishonesty’, because kumambyo ‘yang mga ‘yan eh…
By the time na nag – press released sila, sinasabi nila, o hindi, the symptoms that we have observed based on our clinical trial analysis was only a Grade 1 and Grade 2 symptoms based on the WHO (World Health Organization) classification of the symptoms.
We never saw dengue Grade 4, sabi nila.
- Pahayag ni Health Secretary Duque
Sinabi naman ni dating Secretary Janet Garin, nararapat lamang na managot ang Sanofi Pasteur sakaling mapatunayan na ito ay nagtago ng mga impormasyon kaugnay ng dengvaxia.
Kung saka – sakali mang merong mga impormasyon na itinago ng Sanofi sa Department of Health (DOH), sino ba namang mag – aakalang magtatago sila ng impormasyon?
Hindi lamang po Pilipinas ang nag – uusap when this is being done.
It was a group of eleven (11) countries na magkakasama pong nagmi – meeting.
Kung nagsinungaling man ang Sanofi, hindi lang po sa amin, pati sa ibang bansa, at sa World Health Organization.
Eh dapat naman po talagang managot sila, hindi lang po na sila lang, marami pa po ang dapat.
- Pahayag ni dating Health Secretary Garin
Tiniyak pa ni Garin na nakahanda siyang harapin at sumagot sa mga imbestigasyon kaugnay ng pagbili at pagpapabakuna ng dengvaxia dengue vaccine sa mahigit walong daang libong (800,000) mga kabataan.
We are hoping that the international medical experts will soon clear the air to allay the fears of the public, because the longer it takes for them to come out, the longer the agony is here for us.
I am not pointing fingers to others, kung saka – sakaling sa imbestigasyon niyo your honors, eh meron po akong command responsibility as Secretary at that time, I welcome, I will fully answer whatever it takes, at re – respetuhin ko po ang inyong mga desisyon.
- Pahayag ni dating Health Secretary Garin