Walang nakikitang problema si dating Civil Service Commission Chairman Francisco Duque III sa pahayag ni President-elect Rodrigo Duterte na magsisimula ang kanyang pagtatrabaho ng ala-1:00 ng hapon.
Ayon kay Duque, wala naman oras kung tutuusin ang trabaho ng isang pangulo dahil halos inaabot pa nga ito ng 24 oras.
Aniya, bigyan na muna natin ng pang-unawa ang bagong pangulo habang nag-aadjust pa ito sa kanyang bagong posisyon.
Bahagi ng pahayag ni dating Civil Service Commission Chairman Francisco Duque
Idinagdag din ni Duque na walang malalabag na batas sa serbisyo sibil ang pahayag ni President-elect Rodrigo Duterte na magsisimula siyang magtrabaho ng ala-1:00 ng hapon hanggang hatinggabi.
Aniya ang malinaw lamang sa batas ay dapat magtrabaho ang isang government employee ng 8 oras kada araw o 40 oras sa isang linggo.
Sa kaso anya ng pinakamataas na opisyal ng isang bansa, walang itinatakdang oras o araw ang kanyang trabaho dahil ito ay para sa kapakanan ng buong Pilipinas.
Bahagi ng pahayag ni dating Civil Service Commission Chairman Francisco Duque
By Rianne Briones | Ratsada Balita | Len Aguirre