Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III ang tulong para sa pamilya ng mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine.
Ayon kay Duque, mayroong mahigit isang bilyong piso na hawak ang DOH mula sa pondong ibinalik ng Sanofi Pasteur na galing sa mga hindi nagamit na Dengvaxia.
Sa ngayon sinabi ni Duque na hinihintay na lamang ng DOH ang ‘go signal’ mula sa Department of Budget and Management at Kongreso kung maaari nilang ipamahagi ang naturang pondo sa mga nabiktima ng Dengvaxia.
Kami ay humihingi ng authorization o pahintulot sa DBM nang sa ganun ay mailabas ang pondong ito at gamitin para sa mga pangangailangan ng inyo pong mga anak, ‘yung gastusin sa pagpapa-ospital at gastusin sa dengue kits. Inaantay po natin ang mga kasagutan sa mga sulat na ito at ako po ay magbibigay sa inyo ng mga kopya. Pahayag ni Duque