Tiwala si Health Secretary Francisco Duque III na tuluy-tuloy na ang pagbaba ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Kasunod na rin ito ng magkasunod na araw na halos 5,000 na lamang ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19.
Sinabi sa DWIZ ni Duque na malaking factor sa pagbaba ng COVID-19 cases ang mahigpit na pagpapatupad ng health and safety protocols
Dalawang araw nang sunod na 4,000 tayo. 4000 plus nalang, below 5,000. Sana magtuluy-tuloy. ‘Yung ginagawa ng ating national and local government ‘yung pagsunod ng ating mga kababayan, pinaigting na minimum public health standards,” ani Duque. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais