Walang pinagsisisihan si Health Secretary Francisco Duque III sa kanyang naging trabaho sa gobyerno na aniya’y pinakamahirap niyang posisyon sa pamahalaan.
Sinabi ni Duque na ibinigay at ginawa niya ang lahat bilang pinuno ng Deparrtment of Health (DOH) na kanyang unang pinangunahan nang maharap ang bansa sa AH1N1 pandemic.
Humingi pa ng pasensya si Duque kung hindi sapat ang naging performance nya bilang DOH Secretary na maaring ibigay na lamang sa iba lalo pa’t marami namang magaling na pwedeng maging kalihim ng ahensya.
Una nang inihayag ni Duque na babalik siya sa kanyang home province kapag natapos na ang termino bilang DOH Secretary.
Si Duque ay itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte sa DOH nuong 2017 matapos na ibasura ng Commission on Appointments (CA) si Paulyn Ubial at naging DOH Secretary rin sa ilalim ng Arroyo administration at naging Chairman ng Civil Service Commission (CSC) nuong Aquino administration.