Idinipensa ng gobyerno ang ginawang pagpapaliban sa peace talks sa NDFP o National Democratic Front of the Philippines.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, ito ay para protektahan ang napag usapan nang magkaroon ng back channel talks sa rebeldeng grupo.
Nakatakdang imbitahin ng gobyerno ang ilang personalidad na lumahok sa back channeling para humarap sa magiging public consultation.
Binigyang diin ng gobyerno na mahalagang maipaalam at mahingi ang opinyon ng publiko sa magiging usapang pangkapayapaan sa CPP – NPA – NDF.
Matatandaang kahapon inakusahan ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison si Pangulong Rodrigo Duterte na balak nitong isabotahe ang peace talks.