Pormal nang inanunsyo ang pagkansela ng gobyerno sa peace talks sa CPP-NPA-NDF.
Ito ay matapos na sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na babalik sa negotiating table ang pamahalaan.
Sa inilabas na pahayag ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, tuluyan nang kinakansela ng pamahalaan ang lahat ng nakalatag at planong pulong sa komunistang grupo.
Ayon kay Dureza ang sunud-sunod na pag-atake ng mga rebelde ang nagtulak kay Pangulong Rodrigo Duterte para umabot sa nasabing desisyon.
Nanghihinayang si Dureza sa nasayang na pagkilos at pagkakataon para sa kapayapaan dahil malayo na umano ang narating ng peace negotiations.
Sa kabila ng mga panibagong problema, ay nananatili ayon kay Dureza ang kanilang laban at pagnanais para sa pang-matagalang kapayapaan.
Nagpahatid din ng pasasalamat si Dureza sa Royal Norwegian Government para sa naging suporta nito sa proseso ng pagkamit sa kapayapaan.
BASAHIN:
Statement of Presidential Peace Adviser Jesus Dureza on Peace Talks with the CPP/NPA/NDF. pic.twitter.com/rdAUTUPRej
— OPAPP (@peacegovph) November 22, 2017
—-