Kumpiyansa ang pamahalaan na aarangkada at maipatutupad nang maayos ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng iba’t ibang grupo.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, ito ay dahil sa tiwala ng mga ito sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Bahagi ng pahayag ni Presidential ADviser on the Peace Process Jesus Dureza
Sinabi rin ni Dureza na plano nilang isantabi ang ilang probisyon ng mabubuong Bangsamoro Basic Law (BBL) na kwestyonable ang legalidad, upang mas mabilis na maipapasa ang batas.
Bahagi ng pahayag ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza
By Katrina Valle | Karambola