Pinuri ng Dutch Government ang mga inisyatibo at aksyon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa kaligtasan ng mga Pilipinong mamamahayag.
Kasunod ito ng pakikipagpulong ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil kina Dutch Human Rights Ambassador Bahia Tahzib Lie at Dutch Ambassador to the Philippines Marielle Geraedts
Sa nasabing meeting, tinalakay ang mga hakbang ng gobyerno ng Pilipinas sa patuloy na pagtataguyod sa kalayaan sa pamamahayag at gawing mas ligtas ang bansa para sa media.
Maliban kay Sec. Garafil, dumalo rin sa meeting si Presidential Task Force on Media Security Executive Director Paul Gutierrez.
Iginiit pa ng kalihim na ang pananatili ng P.T.F.O.M.S. ay patunay lamang na seryoso ang administrasyong marcos na palakasin pa ang demokrasya at desididong gawing ligtas ang mga mamamahayag sa bansa.