“2016 fishing deal.”
Ito ang idinadahilan ng Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t nakakapangisda ang mga Chinese sa karagatang sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Sinabi ng Malakanyang na layon ng fishing deal na maiwasan ang armadong komprontasyon sa gitna ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Gayunman, hindi naman nagbigay ng mga detalye ang Palasyo hinggil sa nasabi ng kasunduan nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping.
Ayon sa pangulo, isang mutual agreement sa pagitan ng dalawang bansa ang magbigayan sa pangingisda sa nasabing teritoryo.
with report from Jopel Pelenio (Patrol 17)