Pinirmahan na ng 11 Senador ang Committee Report na walang batayan ang EJK o extra judicial killing may kaugnayan sa kampanya ng gobyerno kontra illegal drugs
Sina Senador Panfilo Lacson, Chair ng Senate Public Order and Dangerous drugs at Senador Richard Gordon, Chairman ng Senate Justice and Human Rights committee ang nag draft ng nasabing report
Ang mga nasabing komite ay nagsagawa ng pagdinig sa usapin ng extra judicial killings at summary executions
Kabilang sa mga lumagda rin sa report sina Senador Gregorio Honasan, Francis Pangilinan, Loren Legarda, Juan Miguel Zubiri, Nancy Binay, Manny Pacquiao, Alan Peter Cayetano, Franklin Drilon at Vicente Sotto III.
May komento namang “will dissent/oncur in part” si Pangilinan “reservations and amendments” si Cayetano at pumirma si Drilon “with reservation and will interpellate”
By: Judith Larino