Blangko ang Malacañang kung magkano ang naiwang pondo ng Aquino Administration sa Duterte Administration para sa nalalabing 5 buwan ng 2016.
Sa unang press briefing ni Presidential Spokesman Secretary Ernesto Abella, sinabi nitong wala pa siyang datos kung magkano ang naiwang pondo ng Administrasyong Aquino.
Unang napaulat na 80% ng higit sa 3 Trilyon Pisong 2016 national budget ang nagastos na.
Matatandaang noong 2010, isa sa unang tanong ng noo’y bagong Pangulong Noynoy Aquino ay anong ginawa ng Arroyo Administration sa pondo.
By: Avee Devierte