Hinamon ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) ang administrasyong Duterte na sampahan ng kaso ang mga mamamahayag na sangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Iginiit ng NUJP na kung may matibay talagang ebidensya ang pamahalaan ay dapat na ilabas agad ito at pangalanan ang mga isinasangkot na mamamahayag.
Una rito, ibinunyag ng Pangulong Rodrigo Duterte na maliban sa mga opisyal ng gobyerno at mga pulis ay mayroon ding taga-media ang sangkot sa iligal na droga.
By Ralph Obina