Sasalang ngayon sa oral arguments ng Korte Suprema ang mga kinatawan ng pamahalaan para depensahan ang war on drugs ng Duterte administration.
Pangungunahan ni Solicitor General Jose Calida ang panig ng pamahalaan, kasama sina Philippine National Police o PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, Department of Interior and Local Government o DILG Officer in Charge Catalino Cuy, Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Director General Aaron Aquino at iba pa mula sa National Police Commission o NAPOLCOM at PNP-Internal Affairs Service.
Nauna nang nagbigay ng kanilang presentasyon ang mga nagpetisyon na ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang memorandum ng PNP hinggil sa Oplan Double Barrel dahil tila iniuutos di umano dito ang pagpatay sa drug suspects dahil sa paggamit ng mga salitang neutralize at negated.
Matatandaan na sinabi ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na dapat patunayan ng mga petitioners na lumabag sa karapatang pantao ang mga pulis upang suportahan ang kanilang argumento na ang mga salitang negated at neutralize sa memorandum ay kahalintulad ng salitang patayin.
—-