Kinokondisyon umano ng administrasyong Duterte ang utak ng publiko para magmukhang demonyo ang Liberal Party (LP).
Ayon iyan kay Magdalo Representative Gary Alejano na siya ring nagsampa ng impeachment case laban kay Pangulong Rodrigo Duterte
Sa isang pulong balitaan kanina sa Quezon City, sinabi ni Alejano na simula nang maupo ang adminsitrasyong Duterte laging sinasabi ng mga kakampi ng Pangulo na Liberal Party o mga dilaw ang nasa likod ng mga kritisismo laban sa Presidente at sa umano’y destablization plot.
Muli naman iginiit ni Alejano na walang kinalaman ang LP at si Vice President Leni Robredo sa inihain niyang impeachment complaint sa Pangulo.
Hindi rin anya siya miyembro ng partido Liberal.
By Jonathan Andal